Ano ang nararapat gawin upang maging magaling na guro
Isa sa pangunahing hanapbuhay ng mga Muslim ay ang pagiging guro kung saan tuturuan nila ang mga kabataan tungkol sa lengwahe ng mga Arab. Ito ay bahagi ng layunin ng Islam na maturuan ang mga mag -aaral na magkaroon ng kakayanang matutunan ang kuran at matutong makisalamuha sa kapwa nila Muslim. Karamihansa mga magulang ng mga Islam ay inihahanda ang kanilang mga anak para bisitahin ang kanilang paaralan dahil ito and daan upang sila ay matuto ng kanilang kultura kaya malaki ang papel na ginagampanan ng mga guro sa kanilang buhay upang mahasa ng husto ang kanilang kaalaman. Kailangan nilang malaman kung paano magbasa at magsalin ng mga itinuturo sa mga mag-aaral. Makakatulong ito upang matuto sila ng tamang disiplina, at pagtuon sa pamumuhay ng mga Islam.
Ang mga gurong Muslim ay nararapat lamang na magkaroon ng kasanayan sa isang asignatura sa larangan ng pagtuturo. Ito ay makakatulong upang malaman ang asignaturang kaya nyang ituro at ganun din ang relihiyon. Nang sila ay nagtapos at nagkaroon ng kakayahang magtrabaho bilang guro, kailangan nilang isaayos ang asignaturang sakop ng kanyang kaalaman upang maturuan ng maayos ang mga kabataan. Ilan sa mga guro ay magaling sa mga laro, samantalang ang iba ay magaring sa drama at pagpapalawak ng pamayanan. Ito ay tungkulin ng bawat gurong Islam na patnubayan at turuan ang mga kabataang Islam ng paraan ng kanilang pamumuhay at tulungan silang mapagbuti ang kanilang pagkakaunawaan, at tungkilin din ng mga guro na alamin at pag-aralan ang tungkol sa kanilang relihiyon.
Tungkulin rin ng mga gurong Muslim na gabayan ang mga kabataan kung kailangan nila ng masusing paglilinaw ukol sa kanilang relihiyon. Kung may isang hindi naintindihan ang kuran ng maayos o kung nais nyang mas lalong lumawak ang kaalaman ukol dito ang guro ay kailangan magsagawa ulit ng pagpapaliwanag o pagtuturo ng mas malawak nang sa gayon maunawaan na sya ng kanyang mag-aaral. Magandang halimbawa ito para sa iba at magkakaroon ng pagkakataon ang mag-aaral na ibahagi ang kanyang nalalaman sa ibang mag-aaral na nais matuto.
Pagdating naman sa oras ng pagdarasal, karamihan sa mga mag-aaral ay nakakalimutan ang nakagawiang paraan ng pagdarasal lalo na kung sila ay bagong bahagi pa lamang ng relihiyong ito. Ang guro ang kailangan maging modelo ng kanyang mag-aaral sa pamamagitan ng pangunguna sa pagdarasal at pagdating naman sa fasting, sila ang kailangan manguna sa pagpupulong ng mga relihiyosong pangkat upang maging isang magandang halimbawa.
Ang guro ang lider ng mga mag-aaral at ibig sabihin kailangan nilang mamuhay ayon sa kanilang mga pangaral. Magiging hindi kagalanggalang ang isang guro kung mangangaral sya ng pantay-pantay ngunit may papanigan naman kapag may lulutasing usapin.Ibig sabihin lamang nito na kailangang maglaan ng mga institusyon ng mga guro na isinasapuso ang kanilang tungkulin at pangaral ayon sa tamang pamumuhay ng mga Islam. At sa bawat oras, ang mga mag-aaral ay kailangan ng mabuting halimbawa na kanilang magiging inspirasyon at kapag nakita nila na ang kanilang guro ay mabait, tahimik at relihiyoso, hahangaan nila ito at tutularan. Ito ang malaking papel na gagampanan ng mga guro sa larangan ng edukasyon at relihiyon ng mga Islam. Ang mabuting Guro ng Islam ay nabubuhay gamit ang mag salita at gagawin ang lahat upang ito’y maipalaganap sa buong mundo.
(Translated from http://muslim-academy.com/what-it-takes-to-be-a-good-muslim-teacher/)
Trending Now..
Looking For Guest Writers to Write on Islam, Western Islamic Relations, Politics
Become a Muslim Academy Guest Blogger Muslim Academy is always on the lookout for guest bloggers. Muslim Academy is a unique community that is based on one simple principle: destroying the barriers to communication between the I
This was because
Sam Harris is like Galen Greenwald, both of them have came up with words that were exchanged by them after extensive reading. They are words that should be condemned. Harris made a blunder by making such a display. Recently Harris made an attem....
Read More
















